Friday, February 24, 2012

si cu-tey cute cute =)



_^

sabi nila hilig ko daw talaga yung magagandang bagay sa paningin ko.
"sino ba ang may gusto ng pangit--haler.."

last saturday ay may gimik kami ng kaibigan ko.
syempre kailangan ko maging 'sweet" sa driver ko at baka mag-taxi ako ng wala sa oras.
hehehe--no choice eh..hahaha..

traffic papuntang MOA ( after couple of months,im back ) at dagdag stress ang mga texts ng aking kaibigan about sa event kasi nga sobrang late na kami.

tapos lakad-takbo ang ginawa namin at pinauna ko na si mark.
siya naman ang importante makita ng mga naroon na naghihintay.
primadona ang akting ko--hahaha..

then nang masilayan ko na ang mga makakasama ko sa panonood ng play, naroon pala ang crush ko.
hinga muna ako ng malalim.
bigla akong nauhaw.
lately yata dumarami ang mga crush ko sa grupong yun ah.
lalakero talaga ako.
hahaha.

pasimple lamang ang lingon ko sa likod.
nasa likuran kasi nga yung crush ko.
kailangan ba in detailed lahat.
hahaha.

after play magdi-dinner na.
yun oh.
silay na silay ko ang kabuuhan ng aking crush.
wag ng kumontra.
blog ko ito eh.
hahaha.

tapos picture-pictures na.
walang "wacky" syempre.
hehehe.

hindi ko pinalagpas yung chance to have a picture with him.
naman.
ako pa?--pahuhuli.
joke.

tapos after manood ng fireworks ay nag-hang out muna kami sa isang dual bar (comedy and resto).
tapos yun nga,hindi ko napigilan hindi yata maging malandi sa oras na yun.
o siya..ako na.
hahaha.

lahat ng bagay na inaalok niya ay dinadagdagan ko ng biro.
nag alok siya ng beer.
"gusto ko sanang tikman ang beer mo..kaya lang tingin mo palang ay lasing na lasing na'ko
hahaha.

tapos yung pulutan nila na mani.
hmm..may paniniwala pa naman na dapat kumakain ng mani kapag nagre-recite.
baka hindi na siya mawala sa isipan ko kasi sinasabayan ko ng pagkain ng mani.
hahaha.

tapos yung sisig na pulutan din nila.
naku.
ang crispy.
inalok niya din sa akin.
busog na talaga ako sa bawat alok niya.
hehehe.

tapos nang nasa isang night bar na kami, sayawan na syempre.
gilingan talaga ang mga kasamahan ko.
mabuti nalang madilim kahit paano hindi nakikita yung katigasan ng katawan ko.
hahaha.

kunwari na lamang ay may tama ako sa naiinom na drinks.
hahaha.

ang cute niyang panoorin habang sumasayaw.
yung movements ng body niya nakakatuwa talaga.
nadadala ng mga nakangiting mga mata niya.
nagungusap,hindi ko naman naintindihan ang ibig ipahiwatig.
hehehe.

kahit simpleng steps ng pagsayaw niya ay nakakadagdag ng karisma niya.
naku naman..tinamaan ako.
pulutan siya sa iniinom kong drinks that time.
hehehe.

ay,ang pinaka-bonggang eksena,nakahalik ako sa pisnge niya.
i know na ang sasabihin mo.
ang landi ko.
hahaha.
oo na.
nakawalong kiss ako sa magkabilang chicks niya.
hindi pa kasama yung pagyakap-yakap at holding hands.
hahaha.

excuse me..landian lang yun..walang personalan.

mahirap na..choz..

No comments:

Post a Comment